Mensahe ni DSWD Sec. Judy Taguiwalo sa launching ng “Project Ignite Integrity”
kaalinsabay ng Flag Ceremony
Marso 20, DSWD Grounds

 

Maagap at mapagkalingang umaga sa ating lahat!  Mahalaga ang topic na pag-uusapan natin lahat ngayon. Tungkol ito sa katapatan ng paglilingkod at ang ating paglaban sa katiwalaan.  Linggo-linggo ay nire-recite natin ang panunumpa ng mga kawani sa gobyerno na maglingkod ng tapat, at mahalagang lagi nating sinasariwa sa ating araw-araw na paggampan sa tungkulin ang mga prinsipyong ating binibigkas at pinapangakong tanganan. Tayo mismong mamamayan at mga kawani ang dapat manguna sa paglaban sa katiwalaan sa loob ng ating ahensya at sa pamahalaan.

Paano ba natin lalabanan ang corruption sa DSWD? Di ba ang isang slogan natin ay “serbisyong walang puwag sa katiwalian”?  Dapat nating seryosohin ito at paninindigan.

We have to build strength from within. Sa DSWD, what we need apart from the strong will and commitment  to fight corruption is to put up strong internal controls and accountability mechanisms which can help us to carry out our mission to provide prompt and compassionate service, and avoid internal abuses that can damage our credibility and severely affect our capabilities to serve Filipinos, especially the poor.  We have to uphold and strictly implement useful procedures  which include those that focus on recruitment, training, and active management of staff integrity, as well as ensuring the highest ethical standards by our leadership from the OBSUs, to Field Offices, to the executive leadership.

Paano ba ito sa kongkreto? For instance, we have to recruit staff through open competition,  establish ethical codes, train internal investigators, and develop comprehensive internal procedures.

Samanatala, napakahalaga din ng edukasyon. Awareness and education are the most effective tools in our battle against corruption.  Palaganapin natin at isa-isip at isa-puso ang mensahe na kailangang labanan ang katiwalian at hindi tama na tanggapin na lamag ito bilang isang bahagi ng kalakaran sa ating mga opisina at ahensya.

Huwag tayong magsawalang kibo kapag nakita o napansin natin na may nagaganap na ktiwalaan sa ating paligid at sumandig na lang sa paniniwala na may iba naman sigurong magrereport dito. Huwag din tayong  magpa-lulong sa minsan ay mapanirang kaugalian ng “pakikisama” at palampasin ang mga kamaliang nakikita natin.

Ang paglaban sa katiwalaan ay isang group at community effort. Hind ito kaya ng iisang opisina o iisang ahensya. Nakakatakas ang mga tiwala kapag tayo ay nagsasawalang-kibo, at maraming inosente ang nabibiktima. Humihina at nababawasan din ang ating kapasidad na maglingkod at makatulong sa marami nating kababayang naghihirap at nangangailangan kapag pumapayag tayo na may mga nangungurakot sa ating mga tanggapan at ahensya.

Ang taumbayan ang laging talo kapag may laganap na katiwalaan. Ang ating mga partner-beneficiaries ang nahihirapan at walang nakukuhang pakinabang sa mga buwis na kanilang binabayaran.

Mga mahal kong kawani sa DSWD, we are no more immune to corruption than other agencies in the government or in the private sector, but because we are a welfare agency, mas masahol ang epekto ng katiwalian sa pamamahala sa atin.  May epekto ito sa ating reputasyon, funding and donations, at higit sa lahat sa ating kakayanang makapaghatid agad ng tulong sa mga nangangailangan ng ating serbisyo.

Kung walang mga maayos na stratehiya at kamulatan sa pangangailangang labanan at wakasan ang corruption, mahirap ang maglingkod ng tapat. Nagiging mahirap din ang accountability at transparency sa ating pinapangako na sa sambayanang Pilipino.  Tandaan natin na corruption includes nepotism, bribery, fraud, kickbacks and double-funding. Lahat ito ay may masamang epekto sa ating ahensya, sa ating paglilingkod, at sa ating kredibilidad bilang mga tapat na lingkod bayan.

Pagtulungan natin ang paglaban sa katiwalian sa DSWD, sa gobyerno, at sa bayan. Tayo ay maging huwaran ng transparency, accountability, at matapat na paglilingkod na hindi nagbibigay ng puwang sa katiwalian.

Maraming salamat at mabuhay kayo!