As chair of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)  third pillar — the ASEAN Socio-Cultural Community (ASCC), Department of Social Welfare and Development (DSWD) today led the launch of the Philippines’ chairmanship of the ASCC in Clark, Pampanga.

The ASCC aims to help the ASEAN realize its goal of an ASEAN community that is people-oriented and socially responsible, with a view to establish solidarity and unity among the peoples and Member-States of the ASEAN.

The following is a report on the exchange of Sec. Taguiwalo with PTV 4 this morning:

  1. Ano ba ang layunin ng Pilipinas sa paglulunsad ng ASEAN Socio-Cultural Community Pillar Launch?

Kick-off itong event natin ngayong umaga sa isang buong taon ng mga aktibidad patungkol sa ASEAN.

Nasa ika-50 taon na ang ASEAN at saktong ang Pilipinas ang mamumuno rito ngayong 2017. Mayroong tatlong pillars ang ASEAN community – Ang ASEAN Political-Security Community (APSC), ASEAN Economic Community (AEC), at ASEAN Socio-Cultural Community (ASCC).

Mahalaga ang papel ng tatlong haligi na ito sa pagbubuklod ng sampung bansang nakapaloob sa ASEAN – Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand, at Vietnam.

DSWD ang tagapangulo ng ASCC ngayong taong ito. Layon natin na tao ang sentro ng ASEAN – People-oriented at People-centered ASEAN.

Tututukan ng ASCC ang pagpapaunlad at pagbibigay proteksyon sa mga karapatan ng mga migrant workers, halimbawa. Marami ring overseas workers ang mga kapitbahay natin sa ASEAN.

Ang mga sektor ng kababaihan, kabataan, matatanda, may kapansanan, pambansang minorya ay atin ring tututukan.

Tayo sa ASEAN ay pinagbubuklod ng ating mayamang kultura. Ito ay pag-uusapan din natin. Pati na rin ang usaping pang kapaligiran at kalusugan.

Pang huli ay pag-uusapan natin sa ASEAN ASCC ang climate change adaptation at disaster risk management. Alam nating bugbog tayo sa Pilipinas ng mga bagyo at patuloy tayong natututong maging mas matibay sa bawat pag daan ng kalamidad.

  1. Kadalasan ay nagla-launch tayo ng mga ASEAN events sa mga prestihiyosong lugar o hotel, bakit napiling ganapin ang Launching ng ASEAN sa isang mall?

Naniniwala tayo sa DSWD na dapat ramdam at maintindihan ng bawat Pilipino ang napakahalagang usapin ng ASEAN. Gusto natin na kalahok ang lahat sa pagpapasinaya sa ASEAN Socio-Cultural Community (ASCC) hosting dito sa Pilipinas.

Sa ating lahat kasi ito. Nasa ASCC pillar ang mga usaping pan-kagalingan, pangkalusugan, pang-kultura, edukasyon, trabaho, kabataan, kababaihan, at iba pa.

Bukas sa lahat na pumunta dito sa Marquee Mall, Angeles para mapanood ang ASCC launch mamayang 10AM. Mayroon ding exhibits para sa buong araw.

Sa larangan ng social media, gamitin lamang ang #ASEAN2017 – ang official hashtag ng ASEAN 2017 Chairpersonship ng Pilipinas.

  1. Ano ang magiging laman ng programa?

Matutunghayan ngayong umaga ang pagsasama-sama ng pamahalaan, mga estudyante, ang civil society, mga alagad ng sining at kultura, at mga kasamahan sa media para sa ASEAN ASCC launch.

May mga inihandang sayaw, awitin, at mga pagtatanghal para sa manonood. Kasama na rin ang mga pagpapalabas ng ASEAN 2017. Buong araw din maaaring dalawin ang mga exhibit na inihanda ng mga ahensiya ng gobyerno.

  1. Paano makakaambag ang paglulunsad na ito sa pag-unlad ng pamumuhay at kultura ng mga naninirahan sa bansang kasapi sa ASEAN?

Kung sa ating mga komunidad mayroon tayong mga neighborhood association para pag usapan ang mga bagay-bagay, tayo ring magkakapit-bahay na bansa ay may ASEAN.

Unang-una – Mutual understanding sa pagitan ng sampung bansa. Halimbawa, mutual understanding sa mga karapatan ng bata, sa pagkilala sa disenteng trabaho o paggawa. Magkakaroon ng mga deklarasyon, mga patakaran, o polisiya na siyang lalaman ng unawaan ng mga bansa.

Pangalawa – Tulungan. May mga problema tayong magkakapitbahay na dapat sama-samang hinaharap. Halimbawa, pagtugon sa mga sakuna, pag protekta sa kalikasan, at iba pa.

Pangatlo at panghuli – Pagbibigayan. Inaasahan natin na sa ASEAN 2017 dito sa Pilipinas, marami tayong maibibigay at makukuhang mga aral na magagamit natin sa ating pamamahala, sa sining, sa edukasyon, sa kalusugan, at iba pa.

Inaasahan nating makakatulong sa pag unlad ng Pilipinas at ng mamamayan ang mga deklarasyon at mga patakaran na pagkakaisahan sa ASEAN 2017.

  1. Sinu-sino ang mga nag-organisa ng event na ito at sinu-sino ang mga participants sa launch?
  1. Department of Heath
  2. National Nutrition Council
  3. Civil Service Commission
  4. Department of Environment and Natural Resources
  5. Department of Labor and Employment
  6. Department of Education
  7. TESDA
  8. Commission on Higher Education
  9. National Anti-Poverty Commission
  10. National Commission for Culture and the Arts
  11. Cultural Center of the Philippines
  12. Council for the Welfare of Children
  13. National Youth Commission
  14. National Council for Disability Affairs
  15. Philippine Commission on Women
  16. Presidential Communications Office
  17. Philippine Information Agency
  18. People’s Television Network
  19. Philippine Sports Commission (no contingent)
  20. National Disaster Risk Reduction Mitigation Council (NDRRMC)
  21. ASEAN Centre for Biodiversity (ACB)
  22. Department of Foreign Affairs

###